Elie Wiesel's Night

Elie Wiesel's Night

Length: 1360 words (3.9 double-spaced pages)

Rating: Excellent

Open Document

Essay Preview

More ↓
Elie Wiesel's Night

"It's over. God is no longer with us."


Ang "It's over. God is no longer with us." ang isa sa mga mabigat na binitawang salita ng isa sa mga "rabbi" na kasama ni Wiesel sa "concentration camp" noong nakaraang ikalawang digmaang daig-dig.
Ang librong Night ay tungkol sa karanasan ng hudyo na si Elie Wiesel sa kamay ng mga Nazi. Bata pa lamang siya noong dinala siya kasama ang kanyang pamilya sa Auschwitz. Dito na nagsimula ang isang napakahabang pagbabago na naranasan ni Wiesel. Sa lahat ng karahasan at kasamaan na kanyang nakita, unting-unti niyang nakita ang pagguho ng pananampalataya at paniniwala ng marami sa Diyos, at isa rin siya dito.
Bago pa man mangyari ang pagdukot ng mga Nazi sa mga hudyo, masasabi nating mapayapa ang kanilang lugar. Halos lahat sa kanila ay napakarelihiyoso at naniniwala sa Diyos, at makikita natin ito sa paglalarawan na ginawa ni Wiesel sa unang bahagi ng "Night". Noong unang napabalitaan ang mga karahasan na ginawa ng mga Nazi, wala sa kanila ang naniwala. May isang "rabbi" pa nga ang nagsabing "Nothing will happen to us, for God needs us."(Legends, 124)
Ito ang paniniwala ng karamihan sa mga hudyo noong mga panahong iyon, at makikita natin ang kanilang pagtingin sa Diyos. Kahit na may mga inaabuso na, tuloy parin ang kanilang paniniwalang ang Diyos ang bahala sa kanila, at hindi papayagan ng Diyos na masaktan sila.
Maihahambing ko ang unang bahagi na ito sa kwento ng punong tagapagtanong kung saan kanyang kinuwestiyon ang pagbalik ni Kristo. Kung titignan natin, nariyan na sa harap ng punong tagapagtanong si Kristo ngunit hindi parin siya tunay na naniwala. Sa isang banda, masasabi nating nanatiling bulag ang punong tagapagtanong. Bulag sa anong paraan? Bulag siya sapagkat nasa harap na niya ang mga sagot sa kanyang mga problema ngunit nanatili ang kanyang mga kwestiyonableng paniniwala.
Tulad ng punong tagapagtanong, nanatiling bulag ang mga hudyo sa mga nangyayari sa mga panahong iyon. Hindi natin masasabing kwestiyonable ang kanilang paniniwala sa Diyos ngunit kwestiyonable ang kanilang pagtingin sa Diyos. Naging arogante sila sa kanilang paniniwalang "walang mangyayari sapagkat kailangan sila ng Diyos" at nanatili ang kanilang paniniwalang ganito, kaya't laking gulat nalang nila nang madala na sila sa mga "concentration camp".
Noong naranasan nila ang karahasan at hirap sa "concentration camp", wala sa kanilang makapaniwalang nangyayari nga ang mga nakikita nila. Hindi nila lubos mapaniwalaang hinayaan ng Diyos na mangyari ang mga kasamaan sa kanila sa pamamagitan ng walang humpay at walang awang pagsunog ng mga katawan.

How to Cite this Page

MLA Citation:
"Elie Wiesel's Night." 123HelpMe.com. 06 Dec 2019
    <https://www.123helpme.com/view.asp?id=161014>.

Need Writing Help?

Get feedback on grammar, clarity, concision and logic instantly.

Check your paper »

Essay about Dehumanization in Night by Elie Wiesel

- Dehumanization in Night In the novel, Night, Elie Wiesel narrates his experience as a young Jewish boy during the holocaust.  The captured Jews are enslaved in concentration camps, where they experience the absolute worst forms of torture, abuse, and inhumane treatment.  Such torture has obvious physical effects, but it also induces psychological changes on those unfortunate enough to experience it. However, these mutations of their character and morality cannot be accredited to weakness of the Jews' spirit, but they can be attributed to the animal-like treatment they receive.  They devolve into primitive people, with savage, animal characteristics that are necessary for survival...   [tags: Night Elie Wiesel]

Research Papers
1785 words (5.1 pages)

Night by Elie Wiesel Essay

- Night by Elie Wiesel         Night is a story about a boy named Elie Wiesel and his family being sent to a concentration camp because they are Jewish. The family was warned many times from people who had seen it with their own eyes but didn't believe it. One day they learned that the Gestapo were coming to the Jewish neighborhood. When they came the people were split into two ghettos, a small and large one. The Wiesel family was put into the larger ghetto. They remained there for some time until one day the Gestapo came and put the people on these train carts....   [tags: Wiesel Elie Night]

Free Essays
845 words (2.4 pages)

Loss of Faith in Elie Wiesel's Night Essay

- Loss of Faith in Elie Wiesel's "Night" Night is a dramatic book that tells the horror and evil of the concentration camps that many were imprisoned in during World War II. Throughout the book the author Elie Wiesel, as well as many prisoners, lost their faith in God. There are many examples in the beginning of Night where people are trying to keep and strengthen their faith but there are many more examples of people rebelling against God and forgetting their religion. The first example of Elie loosing his faith is when he arrived at Auschwitz....   [tags: Elie Wiesel Night Essays]

Research Papers
791 words (2.3 pages)

Elie Wiesel's Night Essay

- Elie Wiesel's Night Elie Wiesel’s Night is about what the Holocaust did, not just to the Jews, but, by extension, to humanity. The disturbing disregard for human beings, or the human body itself, still to this day, exacerbates fear in the hearts of men and women. The animalistic acts by the Nazis has scarred mankind eternally with abhorrence and discrimination. It seems impossible that the examination of one’s health, by a doctor, can result in the death of a human being if he appears unhealthy....   [tags: Elie Wiesel Night]

Research Papers
501 words (1.4 pages)

Essay on Elie Wiesel's Night

- Elie Wiesel's Night In Elie Wiesel’s Night, he recounts his horrifying experiences as a Jewish boy under Nazi control. His words are strong and his message clear. Wiesel uses themes such as hunger and death to vividly display his days during World War II. Wiesel’s main purpose is to describe to the reader the horrifying scenes and feelings he suffered through as a repressed Jew. His tone and diction are powerful for this subject and envelope the reader. Young readers today find the actions of Nazis almost unimaginable....   [tags: Elie Wiesel's Night]

Research Papers
438 words (1.3 pages)

Elie Wiesel's Night Essay

- Elie Wiesel's Night As humans, we require basic necessities, such as food, water, and shelter to survive. But we also need a reason to live. The reason could be the thought of a person, achieving some goal, or a connection with a higher being. Humans need something that drives them to stay alive. This becomes more evident when people are placed in horrific situations. In Elie Wiesel's memoir Night, he reminisces about his experiences in a Nazi concentration camp during the Holocaust. There the men witness horrific scenes of violence and death....   [tags: Elie Wiesel Night Memoir]

Research Papers
1171 words (3.3 pages)

Night by Elie Wiesel Essay

- Night is a horrible tale of murder and man’s inhumanity to man. Wiesel saw his family, friends, and fellow Jews degraded and murdered. Wiesel also states in his book that his God, to whom he was so devoted, was also "murdered" by the Nazis. In the novel Wiesel changed from a devout Jew to a broken young man who doubted his belief in God. When Wiesel first comes to the concentration camp and sees all the walking skeletons, he can’t believe that this is real. He feels that he might be dreaming. However, as Wiesel faces each day and witnesses the starvation, the beatings of innocent people, and the tortures, his faith in God begins to waiver....   [tags: Night, Elie Wiesel]

Free Essays
403 words (1.2 pages)

Night by Elie Wiesel Essay

- Night by Elie Wiesel Nobody wants to read such a morbid book as Night. There isn’t anybody (other than the Nazis and Neo-Nazis) who enjoys reading about things like the tortures, the starvation, and the beatings that people went through in the concentration camps. Night is a horrible tale of murder and of man’s inhumanity towards man. We must, however, read these kinds of books regardless. It is an indefinitely depressing subject, but because of its truthfulness and genuine historic value, it is a story that we must learn, simply because it is important never to forget....   [tags: Night Elie Wiesel Jews Nazi Genocide Essays]

Research Papers
1926 words (5.5 pages)

Essay on Book Report on Elie Wiesel's Night

- Book Report on Elie Wiesel's Night      Elie tells of his hometown, Sighet, and of Moshe the Beadle. He tells of his family and his three sisters, Hilda, Béa, and the baby of the family, Tzipora. Elie is taught the cabala by Moshe the Beadle. Moshe is taken away and sees an entire train of people murdered by the Gestapo. He returns to Sighet and tries to warn them, but no one believes his story. The Nazis come and take over Sighet. Elie is moved to a ghetto, along with all the other Jews in Sighet....   [tags: Book Reports Elie Wiesel's Night Essays]

Research Papers
4327 words (12.4 pages)

Elie Wiesel's Night Essay

- History is full of famous figures, of those who have spoken out against the crowd for what they believe in; people who have stood by what they know is right and challenge society to join them in a quest for justice and a better world. Textbooks are not filled with people who simply go through the motions, but rather those who choose to enact change and do what it takes to make their voice be heard. By choosing to be committed to a cause beyond yourself, you give yourself the power to change the world....   [tags: Elie Wiesel Night]

Free Essays
1155 words (3.3 pages)

Related Searches

Kakaunti lang ang kanilang kinain, ang iba'y binugbog, at ang iba nama'y walang tigil na pinagtrabaho.
Hindi nagtagal, unti-unting nawalan ng pag-asa ang mga hudyo at isa na si Wiesel dito. Noong una'y malakas ang kanyang paninindigan ngunit unti-unti itong naglaho sa bawat araw na dumaan. Unti-unti at isa-isa silang nawalan ng pananampalataya at paniniwala sa Diyos. Hindi na nila nararanasan ang Diyos na kilala nila noong mga nakaraang panahon. Sa katunayan, isa sa kanila ang nagsabing "I have more faith in Hitler than in anyone else. He alone has kept his promises, all his promises, to the Jewish people."(Night,81).
Ito ang napakalaking problema na kinakaharap ng mga hudyo noog mga panahong iyon. Hindi nila masagot-sagot ang kanilang mga tanong tungkol sa mga nangyayari. Halos araw-araw silang nananampalataya sa Diyos ngunit pinarusahan sila upang maranasan ang pinakamarahas na kasamaan sa buong kasaysayan ng ating mundo. Ang pinakamalaking tanong na bumabagabag sa lahat ng tao, hindi lamang mga hudyo, ay "Bakit hinayaan ng Diyos mangyari ito?"
Sa isang banda, hindi dapat kinikuwestiyon ang Diyos. "Man is too insignificant, too limited, to even try to comprehend God's mysterious ways."(Night, 76), ayon sa isang "rabbi". Totoo, na kahit kailan hindi talaga natin malalaman kung ano nga ba ang gustong mangyari ng Diyos. Hindi natin siya nakakausap o nakikita at dinadaan lang natin sa pananampalataya, ngunit sa gitna ng mga kasamaan, mahirap panindigan ang pananampalataya na taliwas sa mga nangyayari. Madaling sabihin na dapat hindi natin kinikuwestiyon ang Diyos, ngunit sa mga nakaranas ng buhay sa Auschwitz, tila imposible ang hindi pagkuwestiyon sa Diyos.
Sa aking palagay, ang pagkuwestiyon at pagreklamo ay bahagi ng ating pagpapakatao. Tayo ay mga taong nag-iisip, at bunga nitong pag-iisip ay ang pagtatanong. At nagtatanong tayo upang maka-alam o palawakin ang ating kaalaman. Ngunit ang ating pagtatanong at pagrereklamo ay nangyayari lamang kung hindi natin ginugusto ang mga nangyayari. Kung kuntento tayo sa ating buhay, tila wala tayong imik o pagtatanong. Nagiging "kampante" tayo sa isang banda dahil pakiramdam natin walang mangyayaring sa atin na hindi kanais-nais.
Ganito ang nangyari sa mga hudyo. Naging kampante sila sa kanilang paniniwala at hindi na sila nagtanong. Kahit may mga nangyayari na sa kanilang paligid, patuloy pa rin sila sa kanilang pang araw-araw na Gawain na hindi na nila namamalayan na sa ganitong paraan, mapapalala nila ang mga nangyayari.
Kaya't tama rin ang sabi ni Ricoeur sa kanyang salaysay na "Evil a Challenge to Philosophy and Theology" na dapat tayo umamin, magreklamo at manampalataya. Dapat nating aminin at buksan ang ating isipan sa katotohanang hindi yata natin mabibigyan ng "absolute explanation" o kahulugan ang Diyos. Hindi natin maaaring sabihin na mabuti siya at walang kasamaan ang maaaring umiral sapagkat hindi natin kailanman malalaman kung ano talaga ang uri ng Diyos. Nariyan ang kasamaan at iba pang mga realidad, huwag tayong magbulag-bulagan at maging kampante sa anumang pinaniniwalaan natin o pag-intindi sa Diyos. Aminin natin at maging bukas ang ating isipan na "Man is too insignificant, too limited, to even try to comprehend God's mysterious ways."
Sa ganitong paraan, hindi natin nililimita ang ating kaalaman. Magiging bukas tayo sa mga maaaring mangyari. Sa oras na mangyari nga ang hindi natin inaasahan, dapat tayo magkuwestiyon at magreklamo. Dahil ito lang ang paraan upang lalo nating maunawaan ang mga nagaganap. Kung isasara natin ang ating mga isipan at piliing magbulag-bulagan na lamang, hinahayaan lang natin kung anumang hindi kanais-nais na iyon na mangyari.
Tulad ng mga hudyo, hindi sila nagreklamo, hindi nila kinuwestiyon ang Diyos sa una. Nanatili ang kanilang pananampalataya at paniniwalang poprotektahan sila ng kanilang Diyos. Nang nangyari nga ang kanilang hindi inaasahan, makikita natin na tiyaka pa lamang sila nagsimulang magtanong at magreklamo dahil hindi na tugma ang kanilang pinaniniwalaan sa mga nagaganap sa paligid.
Manampalataya. Ito ang tugon ayon kay Recoeur pagkatapos natin magreklamo. Ito ang tanging paraan sapagkat sa ating pag-amin at pagreklamo, nalalaman natin na ang Diyos lamang ang makakapagsagot ng ating mga tanong.
Tulad ni Wiesel, walang tigil na pagtatanong at pagrereklamo ang naganap sa pagitan niya at ng kanyang Diyos. Tulad din ng sabi ni Marcel, isa itong paraan ng pag-asa, "Inaasahan kita alang-alang sa amin…"
Mahirap isipin na ang pananampalataya ay ang tanging paraan. Kung titignan natin ang nangyari sa mga hudyo, kahit na nakakulong sila at nahihirapan, tuloy parin ang kanilang pananampalataya at pagdarasal kahit tila walang nangyayari. Ngunit, ang pananampalataya ay isang paraan upang lalo tayong mamulat sa mga nangyayari. Ito ang nagiging daan upang bumalik tayo sa "pag-amin".
Tulad ni Elie Wiesel, dumating sa punto na sa kanyang pagtatanong at pagrereklamo, hinayaan nalang niya ang Diyos. Mula dito nagbago ang kanyang pagtingin sa Diyos. Hindi talaga ginagawa ng Diyos ang anumang inaasahan natin sa kanya. Ito rin ang naging bagong paniniwala ng mga tao na "God does not answer questions unless they suit His purposes".
Dito na nagmula ang bagong pag-amin ng mga realidad tungkol sa Diyos- na dapat tayong laging magtanong, magkuwestiyon, at magreklamo. Darating ang isang araw an sasagutin din ng Diyos ang mga tanong ngunit, hangga't hindi dumarating ang araw na iyon, huwag tayong maging kampante. Huwag nating bibigyan ng "absolute explanation" ang Diyos dahil hindi natin alam kung ano nga ba ang "absolute definition" ng Diyos. Huwag nating itatakda kung ano ang dapat gawin ng Diyos. Tayong mga tao mismo dapat ang gumawa ng paraan upang hindi na mangyari ang nangyari sa mga hudyo. At tulad ng sinabi ni Elie Wiesel sa kanyang talumpati, huwag tayong manahimik sapagkat ang katahimikan ay siyang nagpapalala ng sitwasyon. Hindi nito tinutulungan ang naaapi, sa halip, tinutulungan nito ang nang-aapi. Mag-reklamo, mag-kuwestiyon!
Return to 123HelpMe.com